Walang dalawang mag-aaral ang natututo nang magkatulad na paraan at ang bawat pamilya at pamayanan ay dapat na magkaroon ng mataas na uri ng pag-aaral. Kaya nang may tatlumpung taon na ang nakakaraan, ang mga pamilya sa California ay nagsama-sama at bumuo ng mga charter na paaralan upang mapatibay ang pamamaraan sa pampublikong pag-aaral.
Nag-aalok sila ng isang naiibang pakikitungo sa pampublikong pag-aaral – isang singtangi sa mga bata sa California, isang naglalagay sa mga bata nang mas mataas sa pangasiwaan, at isang nagbibigay sa mga magiliw na mga guro ng paraang makibagay upang makabuo ng mga banghay-araling nababagay para sa pansariling pangangailangan ng mga bata. Bunga nito, ang mga charter na pampublikong paaralan ay nakapagpapadala ng mas maraming bata sa kolehiyo at nakapaghahanda sa mga batang ito para sa mga gawain sa hinaharap.