<img height="1" width="1" style="display:none" src="https://www.facebook.com/tr?id=313980920839609&amp;ev=PageView&amp;noscript=1">

Ang mga Charter na Paaralan ay Muling Pinag-iisipan ang Pampublikong Pag-aaral.

Alam naming hindi mahusay ang “isahang pamantayan” para sa lahat pagdating sa pag-aaral. Ang mga charter na paaralan ay inuuna ang kapakanan ng mga mag-aaral at nag-aalok ng pansariling pag-aasikaso, mapanlikha at magiliw na pagtuturo na kailangan ng mga mag-aaral para magtagumpay.

Ang mga Charter na Paaralan ay Mga Pampublikong Paaralan

Ang mga charter na paaralan ay walang bayad, pampubliko, at bukas sa lahat! Ang aming mga hindi pangkalakal na paaralan ay tumutulong na mapalakas ang pamamaraan ng pampublikong paaralan ng California sa pamamagitan ng pag-aalok sa mga mag-aaral ng mas maraming pagkakataon para sa mahusay na pampublikong pag-aaral.

Ang mga Charter na Paaralan ay para sa Bawat Mag-aaral

Ang mga Charter na paaralan ay bukas sa bawat mag-aaral, bawat pamilya at bawat pamayanan. Ang mga ito ay itinayo sa paniniwalang ang bawat mag-aaral ay dapat magkaroon ng pantay na pagkakataong maabot ang mataas na kahusayang paaralan na inuuna ang kanilang pangangailangan anuman ang zip code, kita o antas ng kakayahan.

Hanapin ang charter na pampublikong paaralan na malapit sa inyo.

Punan ang form sa ibaba at padadalhan ka naming ng mga tagubilin para sa mga magagandang pagpipiliang charter na pampublikong paaralang malapit sa inyo.

Screenshot 2023-04-24 144531

Mga madalas na itanong

Walang dalawang mag-aaral ang natututo nang magkatulad na paraan at ang bawat pamilya at pamayanan ay dapat na magkaroon ng mataas na uri ng pag-aaral. Kaya nang may tatlumpung taon na ang nakakaraan, ang mga pamilya sa California ay nagsama-sama at bumuo ng mga charter na paaralan upang mapatibay ang pamamaraan sa pampublikong pag-aaral.

Nag-aalok sila ng isang naiibang pakikitungo sa pampublikong pag-aaral – isang singtangi sa mga bata sa California, isang naglalagay sa mga bata nang mas mataas sa pangasiwaan, at isang nagbibigay sa mga magiliw na mga guro ng paraang makibagay upang makabuo ng mga banghay-araling nababagay para sa pansariling pangangailangan ng mga bata. Bunga nito, ang mga charter na pampublikong paaralan ay nakapagpapadala ng mas maraming bata sa kolehiyo at nakapaghahanda sa mga batang ito para sa mga gawain sa hinaharap.

Oo. Lahat ng mga charter na paaralan sa California ay mga pampublikong paaralan, sila ay walang bayad at bukas para sa lahat.

Ang mga charter na paaralan ay bukas sa lahat at hindi nangangailangan ng natatanging pagiging karapat-dapat o pangangailangan sa pagpasok. Ang mga charter na pampublikong paaralan ay tinayo sa paniniwalang ang bawat mag-aaral ay dapat may pagkakataong makapasok sa mga mahuhusay na paaaralang inuuna ang kanilang mga pangangailangan, anuman ang kanilang zip code, kita o antas ng kakayahan.

Alam naming hindi mahusay ang “isahang pamantayan” para sa lahat pagdating sa pag-aaral. Ang aming mga paaralan ay nag-aalok ng pansariling pag-aasikaso, mapanlikha at magiliw na pagtuturo na kailangan ng mga mag-aaral para magtagumpay. Ang mga charter na pampublikong paaralan ay malaya mula sa mga mahihigpit na pangasiwaan at napakaraming pangangailangan na namamagitan sa mga mag-aaral, guro at karunungan. Bunga nito, ang aming mga paaralan ay inilalagay sa mataas na pamantayan ng pagganap.

Ang aming mga paaralan ay inuuna ang pangangailangan ng mga mag-aaral, hindi ang kapakanan ng pangasiwaan. Ang bawat pamilya sa aming mga paaralan ay piniling mapunta doon – at mamimili ng iba pang paaralan kung hindi namin mapantayan ang kanilang mga pangangailangan. Para matiyak na maabot namin ang mataas na pamantayan para sa lahat ng mga pamilya, kami ay mananagot sa mga pampublikong batas na pampaaralan ng estado at pederal at sasailalim sa masusing pagsusuri ng isang local charter authorizer, na kadalasan ay ang pampook na lupon ng paaralan.

Ang aming mga paaralan ay pinopondohan ng publiko at bukas sa lahat ng mga mag-aaral. Gaya ng lahat ng pampublikong paaralan, kami ay lumilikom din ng pondo at tumatanggap ng mga donasyon upang makatulong na maitaguyod ang aming mga mag-aaral. Ang mga charter na pampublikong paaralan sa California ay hindi sumisingil ng bayad sa pag-aaral at halos lahat ay pinangangasiwaan ng mga non-profit organization.

Ang mga magigiliw at maalalahaning guro sa aming mga paaralan ay dapat na may katulad na mga kahusayan gaya ng guro sa iba pang uri ng pampublikong paaralan sa California.

Pinagsasama ng aming mga paaralan ang mga mahahalagang sangkap para sa mahusay na pampublikong pag-aaral – magagaling na mga guro, masiglang mga mag-aaral at mapagmalasakit na mga magulang – at nakatuon sa paghahanda sa mga mag-aaral para sa tagumpay sa kolehiyo, mga gawain at buhay.

Ang aming mga paaralan ay tumutulong na palakasin ang pamamalakad sa pampublikong paaralan sa California sa pamamagitan ng pag-aalok sa mga bata ng pagkakataon sa mahusay na pampublikong pag-aaral sa paaralang inuuna muna ang kanilang pangangailangan. Ang pampublikong pag-aaral ang lakas ng pangarap ng mga taga Amerika – at ang mga charter na pampublikong paaralan ay tumutulong na maibigay sa bawat mag-aaral ang pagkakataong sumibol at magkamit.

Kung nais mong mag-enrol sa isang charter na paaralan, alamin sa paaralan ang tungkol sa proseso ng enrolment. Kadalasan, ang unang hakbang ay ang pagbigay ng payak na application form. Sa ilalim ng batas ng estado, kung ang charter na paaralan ay nakatanggap ng mas maraming aplikasyon kesa sa mga nakalaang puwang, ang paaralan ay magsasagawa ng blind lottery.

Ang Individualized Education Program (IEP) ay nagbibigay ng pagkakataon para ang mga guro, mga magulang, mga tagapamahala ng paaralan, mga tauhan sa kaugnay na paglilingkod at mga mag-aaral (tuwing nararapat) ay kumilos nang sama-sama para mapahusay ang mga bunga ng pag-aaral ng mga batang may kapansanan.

Ang isang batang may IEP ay may karapatang lumahok sa charter school lottery katulad ng paraan ng iba pang mga mag-aaral. Ilan sa mga paaralan ay maaring humiling ng kaalaman tungkol sa IEP ng inyong anak sa oras ng enrolment upang makabalangkas ang paaralan ng paraang makakatugon sa pangangailangan ng inyong anak; subalit ang paaralan ay hindi maaaring tanggihan ang enrolment ng inyong anak batay sa pagkakaroon o nilalaman ng IEP.

Sa halip ng “isahang pamantayan” na pakikitungo, ang mga guro ng charter na pampublikong paaralan sa California ay may paraang makibagay upang makabuo ng mga banghay-araling nababagay para sa pansariling pangangailanganng mga mag-aaral.

Sa payak na kalagayan, ang mga huwaran ng paaralan ay ginagamit upang tukuyin ang balangkas na gagamitin ng paaralan upang turuan ang inyong anak. Ang mga huwarang ito ay nangangailangan pa ring ang mga guro ay may karampatang kahusayan at dapat matugunan o malampasan ang katulad na academic na pamantayan ng mga pangkaraniwang mga pampublikong paaralan.